Pasensya na Kung mawala man ang aking pasensya Ngunit kailangan ninyong makita. Pasensya na at naiinitan kayo Dahil may lagnat ako Ngunit sino pa ba ang nagpatayo Ng mga pabrika, na ang kasiraan ay abot ang malayo? Pasensya na at ako'y nalulunod At ako'y natatakot na ang inyong bayan ay lumubog Ngunit kayo lang ang tumutunaw ng yelo Sa aking talampakan at ulo. Pasensya na kung kayo ay nadadamay Sa mga bagyong sumusuntok sa akin Ngunit kayo ang lumaking walang pakialam sa mundo, Pagdating sa akin, kinakain ninyo ang mga salita ninyo! Pasensya na kung ako ay namamatay Upang makapagpatuloy kayo sa magarang pamumuhay, Ngunit wala naman akong magagawa, Kaya kailangan ninyon makita ang inyong sariling gawa!
Akala ko ay ligtas ulit Ang mga grado ko, subalit May isang mantsa na kakabit: Ang pagbagsak sa pagsusulit! Bakit nangyari itong lahat? Marahil ay hindi pa sapat Ang pag-aaral ko, sapagkat Naglaro ako at tinamad. Ito'y parang isang kalawang Kahit ano ay kinain lang, Walang itinira na buhay Lalo na ang grado kong patay. Ito'y ilog, saki'y tumangay Sa kinabukasang malumbay, Subalit tumigil ang lakbay May lumapit - ang aking nanay! Ako'y kaniyang natunghayan Hindi raw ito katapusan, Sabi niya'y laging nandiyan Aking guro, magulang, kawan. Ang pag-asa ko'y 'di nabura Ako'y nag-aral, nag-aral pa Hanggang aking mata'y namula- Teka, ako ba ay pumasa?