Isang konsepto mula sa El Filibusterismo na maaari kong ilapat sa aking buhay sa kasalukuyan ay ang progreso ng institusyon ng paaralan sa sentro. Ito ay dahil sa sentro, ang pag–uunlad sa paaralan ay nasa ibabaw lamang (Viva! na nakasulat sa pisara mula pa noong unang araw ng klase na hindi binura sa kalagitnaan ng taon, laboratoryong hindi pinapagamit sa estudyante). Nakikita ko na ang gobyerno ng Pilipinas ngayon ay maaaring iangkop sa progresong ito, dahil ang ginagawa nilang pag–uunlad ay nasa ibabaw rin lamang, katulad ng inilagay nilang buhangin sa Look ng Maynila, at ang nangyayari sa ekonomiya.
Ang pinakagusto kong naranasan sa ikalawang markahan sa Filipino ay ang pagbabasa ng mga iskrip ng dula. Noong binabasa ko ang iskrip ng mga dula, naging interesado ako sa kuwento nito at sa mga ibig sabihin ng dula. Pagkatapos kong magbasa ng isang iskrip, lagi akong nasabik upang magbasa pa ng ibang mga iskrip ng dula. Naramdaman ko rin na tunay akong hinamon ng mga pagsubok tungkol sa mga dula na mag-isip ng mabuti. Bukod sa pagbabasa ng iskrip ng dula, nagustuhan ko rin ang karanasang manood ng Palig sa paraang pisikal. Kung ikinumpara ito sa ikapito at ikawalong baitang kung saan nanood ako ng Palig mula sa kompyuter, masasabi ko na mas masaya at buhay ang Palig sa pisikal na paraan.
Ayos! Padayon!
ReplyDelete