Skip to main content

Pag-uusap ng isang Bata

Pag-uusap ng Isang Bata


Inosenteng tao, mapayapang namuhay at nagtrabaho

Tatay ang tinawag ko sa kaniya at siya ang hinahangaan ko,

Inalagaan kami, ang kaniyang pamilya–kumain, lumangoy na kasama ako

Gulat na lamang kami nang siya’y natagpuang lumalangoy sa kaniyang dugo

Isang pamilya kami, ngayon ay walang ama, ang kinabukasan ay naglaho.


Labis na tinanggi ng presidente at ang kanyang kasama na mayroon silang kinalaman

Ang sabi nila, “Nagbebenta lamang ng droga ang mga iyan!”
Nais ko lamang na makita sana nila ang
Ginagawa ng kanilang “digmaan sa droga” sa maraming tao,
Marami pa ring droga, at ang nawala lang ay mga buhay at negosyo.

Gaano man karami ang mga boses na nagsasabing
Ang gobyerno ay dapat itigil, walang inaamin
Parang laging walang nangyayari, at ang sambayanan ay umiiyak pa rin,
At kahit pwedeng iba ang gawin–rehabilitasyon, hindi dahas,
Gaano man karaming boses ang nagsasabi, wala pa rin silang gagawin.

Papa, alam ko pong binabantayan mo pa rin ako,
At kahit malungkot ako ngayon, alam ko pa rin na nagpapahinga ka na po
Tulungan at bantayan ninyo po ako bukas sa aking pag-aaral sa eskwela
At sa kinabukasan ng aming pamilya, ngayon at lagi, dahil ang
Yaman na hindi dapat kunin ay ang aming kalayaan, aming kapayapaan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ikalawang Markahan sa Eskwela, Ikalawang Panahon Para Sumubok

 Ang pinakagusto kong naranasan sa ikalawang markahan sa Filipino ay ang pagbabasa ng mga iskrip ng dula. Noong binabasa ko ang iskrip ng mga dula, naging interesado ako sa kuwento nito at sa mga ibig sabihin ng dula. Pagkatapos kong magbasa ng isang iskrip, lagi akong nasabik upang magbasa pa ng ibang mga iskrip ng dula. Naramdaman ko rin na tunay akong hinamon ng mga pagsubok tungkol sa mga dula na mag-isip ng mabuti. Bukod sa pagbabasa ng iskrip ng dula, nagustuhan ko rin ang karanasang manood ng Palig sa paraang pisikal. Kung ikinumpara ito sa ikapito at ikawalong baitang kung saan nanood ako ng Palig mula sa kompyuter, masasabi ko na mas masaya at buhay ang Palig sa pisikal na paraan.