Pasensya na
Kung mawala man ang aking pasensya
Ngunit kailangan ninyong makita.
Pasensya na at naiinitan kayo
Dahil may lagnat ako
Ngunit sino pa ba ang nagpatayo
Ng mga pabrika, na ang kasiraan ay abot ang malayo?
Pasensya na at ako'y nalulunod
At ako'y natatakot na ang inyong bayan ay lumubog
Ngunit kayo lang ang tumutunaw ng yelo
Sa aking talampakan at ulo.
Pasensya na kung kayo ay nadadamay
Sa mga bagyong sumusuntok sa akin
Ngunit kayo ang lumaking walang pakialam sa mundo,
Pagdating sa akin, kinakain ninyo ang mga salita ninyo!
Pasensya na kung ako ay namamatay
Upang makapagpatuloy kayo sa magarang pamumuhay,
Ngunit wala naman akong magagawa,
Kaya kailangan ninyon makita ang inyong sariling gawa!
Comments
Post a Comment