Skip to main content

Hantungang Tula 1 - Aking Pagbagsak

 Akala ko ay ligtas ulit

Ang mga grado ko, subalit

May isang mantsa na kakabit:

Ang pagbagsak sa pagsusulit!


Bakit nangyari itong lahat?

Marahil ay hindi pa sapat

Ang pag-aaral ko, sapagkat

Naglaro ako at tinamad.


Ito'y parang isang kalawang

Kahit ano ay kinain lang,

Walang itinira na buhay

Lalo na ang grado kong patay.


Ito'y ilog, saki'y tumangay

Sa kinabukasang malumbay,

Subalit tumigil ang lakbay

May lumapit - ang aking nanay!


Ako'y kaniyang natunghayan

Hindi raw ito katapusan,

Sabi niya'y laging nandiyan

Aking guro, magulang, kawan.


Ang pag-asa ko'y 'di nabura

Ako'y nag-aral, nag-aral pa

Hanggang aking mata'y namula-

Teka, ako ba ay pumasa?

Comments

Popular posts from this blog

Ikalawang Markahan sa Eskwela, Ikalawang Panahon Para Sumubok

 Ang pinakagusto kong naranasan sa ikalawang markahan sa Filipino ay ang pagbabasa ng mga iskrip ng dula. Noong binabasa ko ang iskrip ng mga dula, naging interesado ako sa kuwento nito at sa mga ibig sabihin ng dula. Pagkatapos kong magbasa ng isang iskrip, lagi akong nasabik upang magbasa pa ng ibang mga iskrip ng dula. Naramdaman ko rin na tunay akong hinamon ng mga pagsubok tungkol sa mga dula na mag-isip ng mabuti. Bukod sa pagbabasa ng iskrip ng dula, nagustuhan ko rin ang karanasang manood ng Palig sa paraang pisikal. Kung ikinumpara ito sa ikapito at ikawalong baitang kung saan nanood ako ng Palig mula sa kompyuter, masasabi ko na mas masaya at buhay ang Palig sa pisikal na paraan. 

Pag-uusap ng isang Bata

Pag-uusap ng Isang Bata I nosenteng tao, mapayapang namuhay at nagtrabaho T atay ang tinawag ko sa kaniya at siya ang hinahangaan ko, I nalagaan kami, ang kaniyang pamilya–kumain, lumangoy na kasama ako G ulat na lamang kami nang siya’y natagpuang lumalangoy sa kaniyang dugo I sang pamilya kami, ngayon ay walang ama, ang kinabukasan ay naglaho. L abis na tinanggi ng presidente at ang kanyang kasama na mayroon silang kinalaman A ng sabi nila, “Nagbebenta lamang ng droga ang mga iyan!” N ais ko lamang na makita sana nila ang G inagawa ng kanilang “digmaan sa droga” sa maraming tao, M arami pa ring droga, at ang nawala lang ay mga buhay at negosyo. G aano man karami ang mga boses na nagsasabing A ng gobyerno ay dapat itigil, walang inaamin P arang laging walang nangyayari, at ang sambayanan ay umiiyak pa rin, A t kahit pwedeng iba ang gawin–rehabilitasyon, hindi dahas, G aano man karaming boses ang nagsasabi, wala pa rin silang gagawin. P apa, alam ko pong binabantayan mo pa rin ako, A t ...