Skip to main content

Pagpapaliwanag ng Tesis

 Naniniwala ako sa tesis na ito: "Ang potensyal ng gitnang uri na magdulot ng positibong pagbabago sa bayan ay nauunsyami ng mga makasariling interes at paghahangad." Ano ang ibig sabihin nito? Ang unang dapat ipaliwanag ay ang mga parte ng tesis na ito. Ang pariralang "Ang potensyal ng gitnang uri na magdulot ng positibong pagbabago sa bayan..." ay naglalarawan ng oportunidad ng gitnang uri na gumawa ng mga nakatutulong na gawain para sa bayan. Ang ibig sabihin ng salitang "nauunsiyami" ay "nabigo" o hindi natupad, at ang pariralang "makasariling interes at paghahangad" naman ay naglalarawan ng mga personal na kagustuhan ng gitnang uri. Kaya, maisasabi rin natin na ang mga oportunidad ng gitnang uri na gumawa ng mabubuting gawain para sa bansa ay nabibigo ng kanilang personal na kagustuhan. 

Makikita natin ito sa El Filibusterismo. Mayroong oportunidad ang mga kabataan sa Kabanata 22 na ituloy ang Academia de Castellano sa paraan na mas salungat sa kagustuhan ng gobyerno at mas tumugon sa pangangailangan ng kapwa nila. Ngunit, hindi natupad ang mga oportunidad na kagaya nito sa Kabanata 36 noong si Ben Zayb ay nagpokus lamang sa kaniyang layunin bilang peryodista sa halip ng pagkalat ng balita sa nakatutulong na paraan.  Samantala, gusto lamang ni Don Custodio sa Kabanata 20 na gumawa ng mabuting gawain upang maipatupad ang kaniyang mga proyekto sa halip ng tunay na kagustuhang makatulong sa kaniyang mga kapwa.

Makikita rin natin ito sa kasalukuyang panahon. Mayroong oportunidad ang mga Filipinong nasa gitnang uri na bumoto ng tamang kandidato sa mga eleksyon at magdulot ng positibong pagbabago sa bansa. Ngunit, eleksyon at eleksyon na ang nakalipas at bihira na lamang na binoboto ang magaling na presidente sa Pilipinas, at hindi na naitutupad ang mga oportunidad ng gitnang uri. Madalas ay mayroong personal na interes ang mga botante na hindi magkatulad sa mga pangangailangan ng mamamayan ngayon. Kaya't sa huli, naniniwala ako na ang potensyal ng gitnang uri na magdulot ng positibong pagbabago sa bayan ay nauunsyami ng mga makasariling interes at paghahangad.

Comments

Popular posts from this blog

Ikalawang Markahan sa Eskwela, Ikalawang Panahon Para Sumubok

 Ang pinakagusto kong naranasan sa ikalawang markahan sa Filipino ay ang pagbabasa ng mga iskrip ng dula. Noong binabasa ko ang iskrip ng mga dula, naging interesado ako sa kuwento nito at sa mga ibig sabihin ng dula. Pagkatapos kong magbasa ng isang iskrip, lagi akong nasabik upang magbasa pa ng ibang mga iskrip ng dula. Naramdaman ko rin na tunay akong hinamon ng mga pagsubok tungkol sa mga dula na mag-isip ng mabuti. Bukod sa pagbabasa ng iskrip ng dula, nagustuhan ko rin ang karanasang manood ng Palig sa paraang pisikal. Kung ikinumpara ito sa ikapito at ikawalong baitang kung saan nanood ako ng Palig mula sa kompyuter, masasabi ko na mas masaya at buhay ang Palig sa pisikal na paraan. 

Pag-uusap ng isang Bata

Pag-uusap ng Isang Bata I nosenteng tao, mapayapang namuhay at nagtrabaho T atay ang tinawag ko sa kaniya at siya ang hinahangaan ko, I nalagaan kami, ang kaniyang pamilya–kumain, lumangoy na kasama ako G ulat na lamang kami nang siya’y natagpuang lumalangoy sa kaniyang dugo I sang pamilya kami, ngayon ay walang ama, ang kinabukasan ay naglaho. L abis na tinanggi ng presidente at ang kanyang kasama na mayroon silang kinalaman A ng sabi nila, “Nagbebenta lamang ng droga ang mga iyan!” N ais ko lamang na makita sana nila ang G inagawa ng kanilang “digmaan sa droga” sa maraming tao, M arami pa ring droga, at ang nawala lang ay mga buhay at negosyo. G aano man karami ang mga boses na nagsasabing A ng gobyerno ay dapat itigil, walang inaamin P arang laging walang nangyayari, at ang sambayanan ay umiiyak pa rin, A t kahit pwedeng iba ang gawin–rehabilitasyon, hindi dahas, G aano man karaming boses ang nagsasabi, wala pa rin silang gagawin. P apa, alam ko pong binabantayan mo pa rin ako, A t ...