-Ang pananaw ng mga kabataan katulad ni Basilio sa wika ay mas mababa ang Pilipinong wika na ginagamit ng mga mahihirap kaysa sa wikang Kastila, na ginagamit ng mga makapangyarihan, mayaman, at edukado. Ito ang dahilan ng pagpapatayo nila ng Academia de Castellano, isang paaralan na ituturo ang wikang Kastila sa kabataan.
-Ang pananaw ni Simoun sa pananaw ng mga kabataan tungkol sa wika ay magkasalungat. Pinaniniwala niya na dapat ang wikang Pilipino ay unahin sa wikang Kastila, upang mas mapaunlad ang kultura at pagkakaisa ng Pilipinas.
-Sa aking pananaw, mas importanteng linangin muna ang ating sariling wika sa ngalan ng nasyonalismo kaysa sa linangin ang wika ng daigdig. Kahit maganda ang mga wika sa ibang bansa, tunay na mas maganda pa rin ang ating sariling wika. Mayroon itong mga kayamanan na hindi makukuha sa ibang wika. Ang wika natin ay nakapagbubuklod sa atin bilang isang bansa; kahit magkakaiba tayong rehiyon, pamumuhay at paniniwala, mayroon pa rin tayong pagkakaisa sa pamamagitan ng ating wika. Ito rin ang nagpapaunlad ng ating kultura, dahil maraming tradisyon ang nakapatong sa ating wika. Iniisip ko rin na hindi maaaring mangyari ang globalismo kung wala munang nasyonalismo. Kung wala kang pagkakakilanlan sa sarili bilang isang bansa, hindi ka makakapag-usap sa ibang bansa.
Linangin natin ang sariling atin! Padayon!
ReplyDelete