Hindi ako nagsasang-ayon na napangangatwiranan ng hantungan ang kahit anumang pamamaraan. Ito ay dahil kung masama ang ginawa mong pamamaraan, hindi na ito maipapatawad ng iyong resulta, kahit gaano man kaganda ang mga ito. Halimbawa, kung nakabawi ka sa mga mabababang marka sa isang asignatura gamit ang matataas na marka sa malaking proyekto, pero sinira mo ang mga proyekto ng iba para makuha ang mga marka na ito, hindi palusot ang mga matataas mong marka sa pagsira mo sa proyekto ng iba. Sa kasong ito, dapat prayoridad pa rin ang pagiging malinis sa iyong ginagawa.
Ang pinakagusto kong naranasan sa ikalawang markahan sa Filipino ay ang pagbabasa ng mga iskrip ng dula. Noong binabasa ko ang iskrip ng mga dula, naging interesado ako sa kuwento nito at sa mga ibig sabihin ng dula. Pagkatapos kong magbasa ng isang iskrip, lagi akong nasabik upang magbasa pa ng ibang mga iskrip ng dula. Naramdaman ko rin na tunay akong hinamon ng mga pagsubok tungkol sa mga dula na mag-isip ng mabuti. Bukod sa pagbabasa ng iskrip ng dula, nagustuhan ko rin ang karanasang manood ng Palig sa paraang pisikal. Kung ikinumpara ito sa ikapito at ikawalong baitang kung saan nanood ako ng Palig mula sa kompyuter, masasabi ko na mas masaya at buhay ang Palig sa pisikal na paraan.
Comments
Post a Comment