-Ayon sa Kabanata 1-2, ang kinakatawan ng mga talinghaga ng tubig ay ang mga katutubong Filipino at mga nakabababa sa lipunan dahil sila ay mas matagal umunlad at mas mahinahon sa kanilang pamumuhay at progreso. Ang kinakatawan naman ng apoy ay ang mga Espanyol, dahil sila ay mas mabilis na umunlad at mas agresibo sa kanilang progreso, katulad ng nakikita sa kanilang kolonya at teritoryo. Ang kinakatawan ng Bapor Tabo ay ang Pilipinas, dahil ito ay kung saan ang lahat ng mga tao, mayaman o mahirap, ay naglalakbay patungo sa isang destinasyon.
-Nag-uugnayan ang tatlong ito sa pamamagitan ng singaw. Ang tubig (Filipino) at ang apoy (Espanyol) ay nagkakaisa upang gumawa ng singaw na tumutulong sa paggalaw ng isang bapor. Maihahalintulad ito sa mga pangyayari sa panahon ni Rizal sa pamamagitan ng mga batas na ginagawa ng mga Espanyol na siyang sinusunod ng mga Filipino (madalas ay sa takot ng mga Filipino sa mga Espanyol), dahil ang mga tao ay nagkaisa upang ipaandar ang batas na ito, na gumalaw sa Pilipinas.
-Ang Bapor Tabo sa panahon natin ngayon ay ganoon pa rin noong dati. Mayroon pa ring mga paghahati sa gitna ng mga tao na mabubuti ang pamumuhay at ang mga tao na hindi-mabubuti ang pamumuhay. Nandoon pa rin ang pintura na nagtatago ng nabubulok na kalooban at kondisyon ng bansa.
Natumbok mo! Padayon!
ReplyDelete