Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2022

Pananaw sa Wika

 -Ang pananaw ng mga kabataan katulad ni Basilio sa wika ay mas mababa ang Pilipinong wika na ginagamit ng mga mahihirap kaysa sa wikang Kastila, na ginagamit ng mga makapangyarihan, mayaman, at edukado. Ito ang dahilan ng pagpapatayo nila ng Academia de Castellano, isang paaralan na ituturo ang wikang Kastila sa kabataan. -Ang pananaw ni Simoun sa pananaw ng mga kabataan tungkol sa wika ay magkasalungat. Pinaniniwala niya na dapat ang wikang Pilipino ay unahin sa wikang Kastila, upang mas mapaunlad ang kultura at pagkakaisa ng Pilipinas.  -Sa aking pananaw, mas importanteng linangin muna ang ating sariling wika sa ngalan ng nasyonalismo kaysa sa linangin ang wika ng daigdig. Kahit maganda ang mga wika sa ibang bansa, tunay na mas maganda pa rin ang ating sariling wika. Mayroon itong mga kayamanan na hindi makukuha sa ibang wika. Ang wika natin ay nakapagbubuklod sa atin bilang isang bansa; kahit magkakaiba tayong rehiyon, pamumuhay at paniniwala, mayroon pa rin tayong pagkaka...

Ang Makina ng Bapor Tabo

 -Ayon sa Kabanata 1-2, ang kinakatawan ng mga talinghaga ng tubig ay ang mga katutubong Filipino at mga nakabababa sa lipunan dahil sila ay mas matagal umunlad at mas mahinahon sa kanilang pamumuhay at progreso. Ang kinakatawan naman ng apoy ay ang mga Espanyol, dahil sila ay mas mabilis na umunlad at mas agresibo sa kanilang progreso, katulad ng nakikita sa kanilang kolonya at teritoryo. Ang kinakatawan ng Bapor Tabo ay ang Pilipinas, dahil ito ay kung saan ang lahat ng mga tao, mayaman o mahirap, ay naglalakbay patungo sa isang destinasyon. -Nag-uugnayan ang tatlong ito sa pamamagitan ng singaw. Ang tubig (Filipino) at ang apoy (Espanyol) ay nagkakaisa upang gumawa ng singaw na tumutulong sa paggalaw ng isang bapor. Maihahalintulad ito sa mga pangyayari sa panahon ni Rizal sa pamamagitan ng mga batas na ginagawa ng mga Espanyol na siyang sinusunod ng mga Filipino (madalas ay sa takot ng mga Filipino sa mga Espanyol), dahil ang mga tao ay nagkaisa upang ipaandar ang batas na ito,...

Mga Pamamaraan at Hantungan

Hindi ako nagsasang-ayon na napangangatwiranan ng hantungan ang kahit anumang pamamaraan. Ito ay dahil kung masama ang ginawa mong pamamaraan, hindi na ito maipapatawad ng iyong resulta, kahit gaano man kaganda ang mga ito. Halimbawa, kung nakabawi ka sa mga mabababang marka sa isang asignatura gamit ang matataas na marka sa malaking proyekto, pero sinira mo ang mga proyekto ng iba para makuha ang mga marka na ito, hindi palusot ang mga matataas mong marka sa pagsira mo sa proyekto ng iba. Sa kasong ito, dapat prayoridad pa rin ang pagiging malinis sa iyong ginagawa.