Mula sa mga eleksyon patungo sa mga usa pin sa pang araw-araw na buhay, laging nakikita na tila may malaking papel sa isyung panlipunan ang gitnang uri. Base sa mga nakikita natin sa buhay natin ngayon at sa mga detalye sa libro ni Jose Rizal na El Filibusterismo, mahihinuha natin na m ahalaga ang impluwensya at papel ng gitnang uri sa usaping pambayan dahil sa kanila umiikot ang ginagawa ng ibang mga uri. Paano ba ito nangyari, at ano ang maaari nating gawin dito? Una, bakit mahalaga ang mga desisyon ng gitnang uri noon? Mula sa mga detalye na makukuha natin sa El Filibusterismo, mahihinuha natin ito dahil maaaring manalo sa pulitikal na usapin ang alinman sa mababang uri o mataas na uri depende sa desisyon ng gitnang uri. Makikita natin ito sa ginawa ni Ben Zayb na pagpapalaganap ng balita sa Kabanata 36. Sa desisyon niyang magpokus lamang sa kaniyang layunin bilang peryodista at sa paraan ng kanyang pagpapalaganap ng balita , natulungan ang reputasyon ng gobyerno kaysa ang sit...